Pokwang, patuloy ang pamimigay ng pagkain sa mga bantay ng bayan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pokwang, patuloy ang pamimigay ng pagkain sa mga bantay ng bayan

ABS-CBN News
Published Mar 17, 2020 03:37 PM PHT

MAYNILA – Patuloy ang pagpapangiti ni Pokwang sa pamamagitan ng alay niyang pagkain para sa mga doktor, nars, pulis, sundalo at iba pa na nagbibigay serbisyo sa bayan sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, ibinahagi ni Pokwang ang kanyang larawan na naghahanda muli ng sandwiches. Sa kanyang video, kita naman ang pag-abot niya ng pagkain sa mga nagtatrabaho sa ospital at gayundin sa mga nagbabantay sa checkpoint.

“Sa mundong puno ng takot at pangamba, ngiti nila ang nais kong makita at mahawa, hindi ang CORONA,” ani Pokwang sa caption ng kanyang post.

Sa ngayon ay isinailalim na ang buong Luzon sa “enhanced community quarantine” dahil sa COVID-19.