Angel Locsin ibinahagi ang 'common interest' nila ni Eula Valdez

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2019 07:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sinorpresa ni Angel Locsin ang kaniyang on-screen mother na si Eula Valdez sa block screening ng pelikula nitong "Neomanila." 

Nagpahayag ng kani-kaniyang papuri sa isa't isa ang dalawang aktres, na mag-ina sa top-rating serye na "The General's Daughter." 

"Truly angel talaga siya, bagay sa kaniya ang pangalan niya, very supportive siya. At hands on [siya] sa production," ani Valdez. 

Ikinatuwa naman ni Locsin ang kanilang pagkakapareho ni Valdez partikular sa pangongolekta nila ng patalim. 

"Ang dami namin kasing similarities, nagko-collect siya ng swords, ako naman knives," dagdag ni Locsin. 

Gagawin din daw ni Locsin ang lahat para mas umangat pa ang "The General's Daughter," na ipinapalabas ngayon sa ABS-CBN Primetime Bida. 


-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.