SEOUL, SOUTH KOREA - Nakipagpulong ang MTRCB o Movie and Television Review and Classifications Board ng Pilipinas sa counterpart nito sa South Korea na Korea Media Ratings Board o KMRB nito lamang ika-2 ng Marso. Pinangunahan ni Chairperson Diorella Maria G. Sotto-Antonio ang delegasyon ng MTRCB habang pinamunuan ni Chairperson Chai Yoon Hee mula Busan ang KMRB.
Mga lumahok sa paglagda sa MOU sa pagitan ng PH MTRCB at KMRB at ang pakikipagpulong ng MTRCB delegation kay PH Ambassador to Korea Theresa Dizon-de Vega
Ayon pa sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul, lumagda sa MOU o Memorandum of Understanding ang dalawang ahensiya para sa layunin ng pagkakaisa, kooperasyon at bahaginan ng best practices sa industriya lalo na ang pag-aangat sa serbisyo, pamantayan at balanse sa pagitan ng pagsusuri at klasipikasyon ng content habang pinapanatili ang creative freedom.
Nakipagpulong din ang MTRCB PH delegation na kinabibilangan ng Board members na sina Raquel Cruz, Maria Carmen Musngi, Atty. Paulino Cases, Jr., at Atty. Cesar Pareja kay Philippine Ambassador to Korea Theresa Dizon-de Vega para sa pagsusulong at maabot maging ang mga overseas Filipino at ang kani-kanilang pamilya ng kanilang programang “Responsableng Panonood Program.”