PBB: Zach Guerrero naagaw kay Isabel Laohoo ang 10M diamonds

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2022 11:11 PM

Kapamilya Online Live
Mula sa Kapamilya Online Live

Natalo man sa unang diamond task, matagumpay namang naagaw ni Zach Guerrero ang gold bars mula kay Isabel Laohoo matapos ang kanilang head-to-head challenge. 

Bago nakatapat ni Guerrero si Laohoo, nakipaglaban muna ito sa tatlong iba pang housemates para makuha ang challenger shirt na nasa isang kahon na naka-padlock. 

Sa hamon ni Big Brother, kailangan mag-unahan ng apat na housemates na mapili ang tamang susi upang mabuksan ang kahon. 

Habang kumakain ng hapunan, nakatanggap ang mga ito ng hudyat upang hulaan ang tamang susi sa maraming pagpipilian.

Sa huli, si Guerrero ang nakakuha ng tamang susi upang mabuksan ang kandado ng nasabing kahon. 

Sa kanilang pagtatapat ni Laohoo, kinailangan nilang pagulungin pataas ang tennis balls sa isang net bago i-shoot sa isang lagayan gamit ang isang plank. Ang unang makapaglagay ng apat na bola sa bowl ang mananalo.

Dikit ang naging laban ng dalawang housemates. Si Guerrero ang nakaunang makapagtala ng puntos ngunit mabilis na nakasagot si Laohoo.

Matapos maitabla ni Isabel sa 3-all ang iskor, mabilis na nakapuntos si Guerrero ng kaniyang ikaapat na bola upang tuluyang maagaw ang mga gold bar na nagkakahalaga ng 10 million diamonds.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.