Tuloy ang pagpapasaya: ‘It’s Showtime’ wala munang studio audience | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tuloy ang pagpapasaya: ‘It’s Showtime’ wala munang studio audience

Tuloy ang pagpapasaya: ‘It’s Showtime’ wala munang studio audience

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 10, 2020 08:01 PM PHT

Clipboard

Wala munang live studio audience ang mga programa ng ABS-CBN, kabilang ang ‘It’s Showtime,’ simula ngayong Martes bilang pag-iingat laban sa coronavirus disease.

MAYNILA -- Iginiit ng hosts at production staff ng “It’s Showtime” na tuloy lang ang pagpapasaya nila sa mga manonood sa kabila ng pansamantalang pagbabawal sa live studio audience bilang pag-iingat sa coronavirus disease (COVID-19).

Nawala man ang ingay ng studio audience ngayong Martes, masigla pa rin sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilaro, Amy Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at iba pang bahagi ng noontime variety show.

“First time naming mararanasan ‘to na walang audience ‘yong ‘Showtime,’” sabi ng direktor ng programa na si Bobet Vidanes sa panayam ng ABS-CBN News.

“Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapasaya ng tao,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bagaman ikinalungkot din ni Perez ang pagkawala ng madlang pipol sa studio, nauunawan umano niyang ang pagsuspende sa studio audience ay para sa kaligtasan ng lahat.

“Wala namang magbabago. Nandito pa rin ang ‘Showtime’ hosts para paligayahin ang ating mga Kapamilya,” ani Perez.

“Madalas iyong energy namin nanggagaling ‘yon sa binibigay ng madlang pipol pero talagang parte ‘yon ng kaligtasan ng lahat,” dagdag niya.

Binigyang diin naman ni Jugueta na pansamantala lang ang situwasyon.

“Sana hopefully next week maging normal na,” aniya.

Nagpasya ang ABS-CBN na ihinto muna ang pagpapasok ng studio audience sa mga palabas nito simula Martes kasunod ng pagdeklara ng gobyerno ng state of public health emergency bunsod ng COVID-19.

Bukod sa “It’s Showtime,” apektado rin ang mga programang “ASAP Natin ‘To,” “Magandang Buhay,” “Banana Sundae,” “I Can See Your Voice” at “iWANT ASAP.”

Sa huling tala, umabot na sa 24 ang nagpositibo sa sakit sa Pilipinas.

Sa buong mundo, umabot na sa higit 110,000 ang kaso ng COVID-19 sa higit 100 bansa at teritoryo habang halos 4,000 naman ang namatay. -- May ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.