PatrolPH

PANOORIN: Celebrities nakikiuso sa patok na TikTok app

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2020 11:52 AM | Updated as of Mar 09 2020 12:13 PM

Watch more on iWantTFC

Bukod sa mga ordinaryong netizen, nakikipagsabayan na rin ang mga celebrity sa paggawa ng mga makulit at nakakatawang mga palabas sa video-sharing app na TikTok. 

Kasama sa mga artistang mayroong mga TikTok account ay ang ilang bida ng “Ang Probinsyano” at hosts ng “It’s Showtime,” ang teen heartthrob na si Iñigo Pascual, at ang aktres na si Jodi Sta. Maria.

Ayon kay “It’s Showtime” host Amy Perez, natutuwa siya sa pag-edit sa videos at libreng musika sa app.

“Masaya ‘yong editing niya, masaya ‘yong music na involved, tapos maraming libre. ‘Di ba libre ‘yong music na magagamit mo?” aniya.

“Madalas ako naka-pajama, naka-glasses, ‘yong walang makeup, kasi ‘yon ‘yong time na wala ako masyadong iniisip na, ‘maganda ba ‘to?’ kasi dapat fun lang siya,” sabi naman ni Karylle.

Tingin naman ng host at musician na si Teddy Corpuz, maraming nahihikayat mag-TikTok kasi “kahit hindi ka magaling, nasasama mo ‘yong sarili mong style ng comedy.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.