Anak ni Dolphy na si Dino Quizon, pumanaw na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Anak ni Dolphy na si Dino Quizon, pumanaw na

Anak ni Dolphy na si Dino Quizon, pumanaw na

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 07, 2018 08:17 PM PHT

Clipboard

MANILA -- Pumanaw na si Geraldino "Dino" Quizon, isa sa apat na anak ng yumaong Hari ng Komedya na si Dolphy Quizon sa dating nakarelasyon na si Gloria Smith. Si Dino ay 45 anyos.

Sa Instagram, ibinahagi ng mga anak ni Dolphy na si Zia at Nicole Quizon ang malungkot na balita.

A post shared by ziaquizon (@ziaquizon) on

"Goodbye, Kuya Dino. I still can't believe you're gone. You were still so young and had so much living left to do. And you were so full of life. And love. And laughter. I hope you find peace. I hope you and Papa find solace in each other's arms. We know you missed him dearly. And now we'll all miss you. Naalala ko nung pauwi ka na ng States. Nung nailibing na natin si Papa. Na napanaginipan mo siya. Nakaupo sa silya niya. Sa tabi mo kung saan ka natutulog noon. Na parang andun pa siya. Na parang totoo. Ibinilin mo saakin na ingatan ko ang silyang yun. Andito pa siya saakin. Na sa may bintana. Minsan nga, dun tumutungtong ang aso ko. Hinihintay akong umuwi. Nagaabang. Ngayon, magaabang na din ako dito. Na mapanaginipan din kita. Na makapagpaalam ng maayos. Na makita ka muli. O magising man sana. Kasi parang hindi totoo," ani Zia sa caption ng retrato ni Dolphy at ni Dino.

Sa retrato naman kung saan kasama ni Nicole ang iba pa niyang mga kapatid ay nagpaalam na rin siya sa kanyang kuya.

ADVERTISEMENT

A post shared by Coco (@cocoquizon) on

"I can’t believe that the last time I saw you may jawline pa ako. And I can’t believe that would be the very last time. Will always miss you, Kuya Dino. Our sibling barangay will be a little less crazy and a little less funny without you. Rest in Power," pagbabahagi ni Nicole.

Si Zia at Nicole ay mga anak ni Dolphy sa aktres na si Zsa Zsa Padilla. Matatandaang 18 ang mga naging anak ni Dolphy sa anim na babaeng kanyang nakarelasyon.

Ipinanganak noong Marso 18, 1972, naging parte rin si Dino ng showbiz. Nakasama siya sa ilang mga pelikulang pinagbidahan ni Dolphy na yumao naman noong Hulyo 2012.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.