PBB: House players mas pinatindi ang tensyon sa loob ng Bahay ni Kuya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PBB: House players mas pinatindi ang tensyon sa loob ng Bahay ni Kuya

ABS-CBN News
Published Mar 04, 2022 08:03 PM PHT

Patuloy na sinusubok ng house player na si Marky Miranda ang mga natitirang housemates sa “Pinoy Big Brother” adult edition.

Sa episode nitong Biyernes, nakaisip muli si Miranda ng dahilan upang magalit kunyari sa mga kasamahan. Sa pagkakataong ito, sinubukan niyang inisin si Laziz Rustamov.

Ginamit ng house player ang pang-aasar sa kaniya ng mga kasama na “alien” siya dahil hindi ito umuupo kahit maaari silang maupo panandalian sa gitna ng kanilang weekly task.

Para kay Miranda, kaya siya tinatawag na alien ay dahil bagong salta lamang siya sa Bahay ni Kuya kaya nagkunwari itong nasasaktan sa biro.

Kinausap nito si Isabel Laohoo upang ilabas ang animo’y tunay na saloobin sa ginagawa ng mga kasamahan.

Aniya, nais naman umano niyang makihalobilo sa mga housemates ngunit hindi magandang biro ang ipamukha na baguhan lamang siya sa “PBB” kasunod ng kaniyang pag-iyak.

Sa sumunod na eksena, nagkunwari rin sina Miranda at Ja Nidoy na magkaaway. Hinila pa ni Miranda si Nidoy sa confession room ngunit tila alam ng housemates na umaarte lamang ang mga ito.

Pagpasok ng dalawa sa confession room, agad na nag-usap ang mga housemates at sinabing sakyan na lamang ang ginagawa ng dalawang house players.

Samantala, nag-sorry naman si Rustamov kay Miranda nang malamang “na-offend” ito sa biro niyang “alien.”

Hindi pa natapos si Miranda at sinubukan namang asarin si Seham Daghlas na pinayuhan niyang huwag masyadong “touchy” sa mga lalaki.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.