PBB: 2 house players, sinimulan nang inisin ang mga housemate | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PBB: 2 house players, sinimulan nang inisin ang mga housemate

ABS-CBN News
Published Mar 02, 2022 08:27 PM PHT

Nagsimula nang mang-inis sina Jannene Nidoy at Marky Miranda, pawang house players sa “Pinoy Big Brother,” sa mga natitirang housemates sa adult edition.

Nitong Miyerkoles, napiling pikunin ni Miranda ang masayahing si Michael Ver Comaling na ayon sa kaniya ay isip bata at overreacting.

Makailang-ulit din niyang pinuna ang pagiging maingay ni Comaling dahil hindi aniya siya sanay sa makukulit na tao.

Ngunit, tila hindi napipikon si Comaling at nagpatuloy sa kaniyang pangungulit. Kaya natanong na rin ni Miranda kung nag-aaway-away ba sila sa loob ng Bahay ni Kuya.

Samantala, nakatunog na ang mga housemates na sinusubukan talaga silang pag-awayin ng dalawang bagong kasama.

Napagkasunduan ng mga ito na huwag mag-away at hayaang mag-adjust at makisama ang dalawang bagong pasok sa “PBB.”

Sa sumunod na araw, ang makapatid naman na Nathan at Raf Juane ang sinubukang inisin ni Miranda.

Inusisa nito ang pagtanggap ng pastor na ama ng magkapatid sa pagiging transgender ni Raf na maaari umanong makaapekto sa propesyon ng magulang.

Mabilis namang dumipensa si Nathan at sinabing tanggap ng kanilang pamilya si Raf at hindi nila ito ikinakahiya.

Sinikap pang pagdiinan ni Miranda ang kaniyang pinupunto ngunit tila maging siya ay napahanga sa paliwanag na binibigay ni Nathan.

Dahil dito, napagdesisyunan ni Big Brother na aminin na sa mga housemates na house player lamang sina Miranda at Nidoy. Ngunit papalabasin nilang banta ang dalawa para maagaw ang puwesto sa Final 5.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.