Fans ng Kapamilya stars nag-prayer rally para sa ABS-CBN franchise renewal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Fans ng Kapamilya stars nag-prayer rally para sa ABS-CBN franchise renewal

Fans ng Kapamilya stars nag-prayer rally para sa ABS-CBN franchise renewal

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Ilang daang fans ng Kapamilya stars ang nagsama-sama ngayong Linggo sa labas ng ABS-CBN compound sa Quezon City para sa prayer rally bilang pagpapakita ng suporta sa renewal ng prangkisa ng network.

Tinatayang nasa higit 70 grupo ang sumali sa rally, kabilang ang mga tagahanga ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Maymay Entrata at Edward Barber, Liza Soberano at Enrique Gil, James Reid at Nadine Lustre, at maging ng bagong kasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Nagtipon ang fans sa harap ng ABS-CBN bandang alas-4 ng hapon at naglakad palibot ng headquarters ng kompanya mula Mother Ignacia Avenue hanggang Sgt. Esguerra Avenue, kung saan idinaos ang isang maikling programa.

Naki-rally rin ang mga artista gaya nina Entrata at Barber.

ADVERTISEMENT

“Nakita po namin ‘yong suporta nila para sa amin kaya na-touch kami and nag-decide na samahan sila,” ani Entrata.

“Siyempre, in the way that we owe ABS-CBN for what happened to us, to our lives, we owe even that and more to the people that have been supporting us,” dagdag ni Barber.

Sa programa, nagbigay ng testimonya ang fans kung paano nakatulong ang Kapamilya network sa kanila.

“Kami po ay nandito, nagsasama-sama po, nagkakaisa, kahit magkakaiba ng fandoms, nagkakaisa kaming lahat para sa ABS-CBN,” ani Mark Francis Mahusay, isa sa mga organizer.

“Hindi mawawala ang ABS-CBN. Isang kawalan para sa amin kasi ang ABS nagbibigay ng saya sa amin,” ani Francia Calbay na higit 2 dekada nang fan ng network.

Nakabinbin sa Kamara ang hindi bababa sa 11 panukala na layong bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN. Nakatakdang mapaso ang kasalukuyang prangkisa sa Mayo 4.-- Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.