Richard Gutierrez, masaya sa paglipat sa ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2018 01:16 PM | Updated as of Oct 11 2018 06:27 PM

 

A post shared by Reyma Buan Deveza (@reymabd) on

MANILA -- Inamin ni Richard Gutierrez na excited na siya na makagawa muli ng bagong pelikula.

"Kasi iba ang process ng paggawa ng pelikula. Nanamnamin mo 'yon bilang artista, so excited ako," paliwang ni Richard sa panayam sa isang press conference para sa nalalapit na pagtatapos ng seryeng "La Luna Sangre." 

Nakatakdang gumawa ng pelikula si Richard kasama si Angel Locsin na dati niyang leading lady.

"Tapos new director," dagdagni Richard na huling bumida sa pelikula noong 2014.

Sa ngayon ay abala si Richard para sa huling linggo ng "La Luna Sangre" kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Sandrino/Supremo, ang hari ng mga bampira.

Sa lahat ng magagandang nangyayari sa kanyang karera, sinabi ni Richard na masaya siya bilang isang Kapamilya.

"ABS-CBN is doing a great job in what they do. That's why they are No. 1 and it's always good to work with the best. And right now I'm with the No. 1 company, so I'm happy," ani Richard na lumipat sa Kapamilya network noong nakaraang taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.