Mga batang artista ng 'Nathaniel,' sinorpresa si Pokwang | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga batang artista ng 'Nathaniel,' sinorpresa si Pokwang

Mga batang artista ng 'Nathaniel,' sinorpresa si Pokwang

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 11, 2018 12:49 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Ibinahagi ni Pokwang at ng nobyo nitong si Lee O'Brian ang pangarap nila para sa kanyang baby na si Malia.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, sinabi ni Pokwang na ang pagkakaroon ng magandang edukasyon ang nais niya para sa anak nila ni Lee -- gaya nang naibigay niya sa kanyang panganay na si Mae.

"We are just here to support her. Kung ano ang gusto niya sa buhay, nandito kami," ani Pokwang.

"Dalawang goals: that she develops to be a beautiful person [and] she can do a lot of good for other people," dagdag ni Lee.

ADVERTISEMENT

Ipinagdiwang nina Pokwang at Lee sa programa ang unang buwan ni Malia na ipinanganak noong Enero 18.

Sinorpresa rin si Pokwang ng mga batang artista na sina Marco Masa at Yesha Camille na nakasama niya sa seryeng "Nathaniel."

Ayon kay Pokwang, hinahanap-hanap niyang makatrabaho ang mga bata.

"Kasi noong nag-miscarriage ako, 'yung first baby namin, it was during 'Nathaniel.' Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Hindi ba si Nathaniel ay isang anghel? So, hindi ako nawalan ng pag-asa. Binigyan kami ng bagong anghel," ani Pokwang.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.