PBB: Nominated housemates, naging ninja sa ‘Bahay ni Kuya’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PBB: Nominated housemates, naging ninja sa ‘Bahay ni Kuya’

ABS-CBN News
Published Feb 24, 2022 11:25 PM PHT

Nagmistulang mga ninja ang limang nominadong housemates sa “Pinoy Big Brother” bilang parte ng kanilang weekly task ngayong linggo.

Nananatiling nasa secret room sina Zach Guerrero, Gin Regidor, Isabel Laohoo, Roque Coting, at Kathleen Agir na hindi pa rin maaaring malaman ng mga natitira sa loob ng Bahay ni Kuya.

Para sa panibagong weekly task, ibinigay ni Big Brother sa mga nominado ang gagawin at kakailanganing gamitin ngunit hindi sila ang gagawa ng task.

Kailangan maipasa ng mga ito kina Nathan Juane, Seham Daghlas, Laziz Rustamov, Michael Ver Comaling at Raf Juane ang gagawin ngayong linggo kasama ang mga materyales na gagamitin sa hamon.

Unang nagpakita bilang ninja sina Laohoo at Agir kung saan iniabot nila ang mga wooden blocks na gagamitin.

Tila natakot naman ang mga housemates nang makita ang dalawang ninja. Ngunit sa huli ay nakuha rin ng mga ito ang sako ng wooden blocks.

Ikalawang nagparamdam bilang ninja sina Coting at Regidor na ibinigay ang circular base at tali sa mga housemates.

Huling nagpakita ang ninja na si Guerrero na siyang nagturo ng gagawing task sa mga kasamahan na hindi nagsasalita.

Kung mapapagtagumpayan ng mga ito ang weekly task ay makakasama na sila muli sa loob ng bahay.

Mapapanood ang “PBB” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.