'Iba 'Yan': Mga mental health advocate, ibinahagi ang mga karanasan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Iba 'Yan': Mga mental health advocate, ibinahagi ang mga karanasan

'Iba 'Yan': Mga mental health advocate, ibinahagi ang mga karanasan

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Binisita ng aktres na si Angel Locsin ang Baguio City kung saan may isang grupo na umaagapay sa pagaaruga ng mental health sa naturang lungsod.

Nakilala ng "Iba 'Yan" ang Anxiety and Depression Support Group na itinatag ni Ricky Lucas Jr. noong 2019.

Ayon kay Lucas, layunin nila na makapagbigay kaalaman at tulong lalo na sa mga kabataang walang access sa professional help.

Naibahagi niya na dahil sa naging sakit niya na anxiety and panic disorder at naging karanasan niya dito, naisipan niya mag-organisa ng grupo na tutulong na boluntaryo sa mga nangangailan.

ADVERTISEMENT

Nakilala din nila Angel si Janice Himoldang, kasapi ng ADSG at mula Benguet, na nagbahagi din ng karanasan niya din sa anxiety and panic disorder at paano ito nagtulak sa kaniya para tumulong sa kapwa.

Naikwento din sa Iba 'Yan ang karanasan ni Jonathan Santos mula Baguio City. Isang events stand magician na may diagnosis ng clinical depression, naibahagi ni Santos ang hirap na naranasan niya hindi lang dahil sa kaniyang sakit mismo, pero pati din sa gamot.

Dumaan sa matatawag na therapy ang tatlo, bago, sa tulong ng mga donors, sila binigyan ng "Iba 'Yan" ng kagamitan para sa pang araw-araw nilang hinaharap. Pero hindi lang 'yun ang ibinigay sa kanila.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.