‘PBB’: Gin Regidor, Zach Guerrero bigo sa ‘ligtask’ challenge | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘PBB’: Gin Regidor, Zach Guerrero bigo sa ‘ligtask’ challenge

ABS-CBN News
Published Feb 21, 2022 07:06 PM PHT

MAYNILA — Bigo ang adult housemates na sina Gin Regidor at Zach Guerrero sa kanilang hamon sa Monday episode ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.”

Sina Regidor at Guerrero ang dalawa sa pitong housemates na nakakuha ng pinakamataas na puntos sa naganap na harapan nominasyon nitong Linggo.

Kasama nilang sumabak sa hamon para manatili sa Bahay ni Kuya sina Michael Ver Comaling, Kathleen Agir, Laziz Rustamov, Isabel Laohoo, at Roque Coting Jr.

Sa kanilang “ligtask” challenge, kailangang ma-shoot ng housemates ang kanilang bola sa dalawang cylinders habang nasa taas ng isang tower.

Mayroon silang 5 bola o attempts kada round at gagawin nila ang hamon ayon sa pagkakasunod-sunod na mapagkakasunduan nila.

Unang natapos sa hamon sina Rustamov at Comaling na sinundan naman nina Laohoo at Agir.

Huli naman nakatapos sa hamon si Coting at namaalam na sa mga housemates sina Guerrero at Regidor.

Sa umano’y huling pagkakataon nila sa confession room binunyag ni Kuya na hindi pa sila tuluyang lilisan sa bahay at mananatili muna sa isang special room para sa kanilang susunod na hamon.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.