PatrolPH

'PBB': Adult housemates sumabak sa harapang nominasyon

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2022 09:39 PM

Larawan mula sa Twitter account ng Pinoy Big Brother.
Larawan mula sa Twitter account ng Pinoy Big Brother.

MAYNILA — Sumalang sa harapang nominasyon ang mga adult housemates nitong Sunday episode ng "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10".

Ang mga natitirang housemates ay nagbigay ng puntos sa kanilang mga naging kagrupo sa drag queen challenge nitong Linggo, at magiging nominado ang tatlong housemates na may pinakamataas na puntos. 

Nanganganib sina Michael Ver Comaling (8), Kathleen Agir (5), Gin Regidor (1), at Laziz Rustamov (1) ng GinWin pati na rin sina Zach Guerrero    (6), Isabel Laohoo (5) at Roque Coting Jr. (3) ng Roqueens.

Sa pag-anunsiyo ni Kuya sa mga nominado, ibinunyag na sasalang pa ang mga housemates sa isang "ligtask challenge" at ang dalawang magtatagumpay ay maliligtas sa susunod na eviction. 

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.