Makisig Morales, sinama ang misis na si Nicole sa 'Magandang Buhay'

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2020 12:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Ipinakilala na sa publiko ni Makisig Morales ang kanyang asawang si Nicole Joson nitong Huwebes nang bumisita sila sa programang "Magandang Buhay."

Matatandaang Hunyo noong nakaraang taon nang ikasal sina Makisig at Nicole sa Australia.

Ngayong kasal na ang dalawa, aminado si Makisig na nabawasan na ang kanilang pagseselos.

"May selos po talaga pero unlike (before), now na mag-asawa na kami ay mas nabawasan na po 'yon. Mas trust na po namin 'yung isa't isa at saka mas panatag na po 'yung loob namin," ani Makisig.

"Mas secured na at wala na pong dapat i-worry. Ina-assure ko siya at ina-assure niya rin ako," dagdag ng aktor.

"Normal naman po siguro 'yung sa relationship na magselosan po. Siguro more on tampuhan po. Kasi getting to know each other stage pa po kami noon," dagdag ni Nicole na aminadong mas seloso sa kanilang dalawa si Makisig.

"Sa tingin ko sa aming dalawa, ako ang mas clingy. Gusto ko nasa akin 'yung attention niya pero hindi naman po puwedeng ganun," pag-amin ni Makisig.

Naniniwala sina Makisig at Nicole na susi sa kanilang pagsasama ay ang bukas na komunikasyon.

"Communication is key po talaga," ani Makisig na pigil din na maluha sa pagbibigay niya ng pangako sa kanyang asawa.

"Love, siguro promise ko sa iyo, tulad nga nang sinabi natin ... mamahalin kita 'til death do us part. At lagi kong ia-assure sa iyo na mahal na mahal kita," ani Makisig.

Sagot naman ni Nicole: "Promise ko sa iyo na through our ups and downs, I will always be here for you and I will always love you."
 
Matatandaang 2014 noong mag-migrate si Morales at kanyang pamilya sa Australia.

Noong 2018, nagbalik si Morales sa telebisyon bilang parte ng seryeng "Bagani."
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.