Magkapatid na Jaye, Basti Macaraan bagong evictees ng ‘PBB’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magkapatid na Jaye, Basti Macaraan bagong evictees ng ‘PBB’

ABS-CBN News
Published Feb 19, 2022 09:08 PM PHT

Natapos na ang pananatili ng magkapatid na sina Jaye at Basti Macaraan sa “Pinoy Big Brother” matapos silang pangalanang bagong evictees sa kompetisyon nitong Sabado.

Ang Macaraan brothers ang nakakuha ng pinakamababang combined scores ng vote to save at evict sa limang nominado.

Tanging 2% at 10.07% lamang ng boto ang nakuha nina Jaye at Basti, ayon sa pagkakasunod-sunod, dahilan upang tuluyang lumabas ng Bahay ni Kuya.

Samantala, buhay pa ang tiyansang manalo nina Zach Guerrero, Kathleen Agir, at Gin Regidor sa reality show matapos makakuha ng mas matataas na boto.

Si Guerrero ang nanguna sa botohan na may 16.88% habang 12.53% naman ang naitala ni Agir. Pumangatlo si Regidor na may 11.37%.

Samantala, nagpasalamat naman si “Kuya” kay Jaye sa pagbibigay ng saya sa loob ng bahay.

“Nagbigay ka ng saya at ngiti para sa lahat. Ipinakita mo ang kahulugan ng pagmamahal ng isang kapatid na handang ialay ang kaniyang sarili,” ani Big Brother.

“Sa paglabas mo ng aking bahay, ipinakita mo na mas una sayo ang kapakanan at damadamin ng iba, kapalit man ito ng iyong pangarap.”

Nagustuhan naman ni Big Brother ang pagtayo sa sariling paa ni Basti habang nasa “PBB” na lalong nagpakita ng kaniyang tunay na sarili.

“Sa paglabas mo ng aking bahay, dalhin mo ang panibagong lakas ng loob na magpakatotoo,” saad ni Kuya.

Sinundan ng magkapatid sina Aleck Iñigo, Rica Kriemhild, Thamara Alexandria at Andrei King na nauna nang lumabas ng PBB.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.