Bagong awitin ni Angela Ken na 'It's Okay Not To Be Okay' ipinagawa ni Boy Abunda | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagong awitin ni Angela Ken na 'It's Okay Not To Be Okay' ipinagawa ni Boy Abunda

ABS-CBN News
Published Feb 17, 2022 01:57 PM PHT
|
Updated Feb 17, 2022 02:03 PM PHT

MAYNILA -- Ang host na si Boy Abunda ang nagpagawa kay Angela Ken ng awiting "It's Okay Not To Be Okay."

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, ibinahagi ni Ken ang kuwento sa likod ng kanyang pinakabagong awitin na isinulat niya kasama si Jonathan Manalo.

"It was a song na pinagawa po ni Tito Boy Abunda. ...Galing po kasi siya sa naging question niya sa Miss Philippines. Then, 'yun po ang nag-trending niyang tanong sa candidate. Tapos naisipan niya po na gawan ng kanta," ani Ken.

Sa Bb. Pilipinas pageant noong nakaraang taon, isa si Abunda sa mga nagtanong sa question-and-answer portion.
Sa Bb. Pilipinas pageant noong nakaraang taon, isa si Abunda sa mga nagtanong sa question-and-answer portion.
ADVERTISEMENT
"Ngayon madalas nating naririnig, it's okay to not be okay. My question is, when is it okay not to be okay? And when is it not okay to be not okay?" tanong ni Abunda sa kandidatang si Laurrie Mendoza.

Agad namang nag-trending si Abunda dahil sa tanong na ito.

Ayon kay Ken, malaki ang kanyang pasasalamat sa tiwala ni Abunda na ipagawa sa kanya ang awitin kahit bago pa lang siya sa industriya.

"May part din po sa akin na binase ko siya sa buhay ko, kung okay lang ba ang pakiramdam ko, kung okay lang ba talaga na laging hindi maging okay o kung kailan lang dapat na hindi maging okay. Tinulungan po ako at tinuruan po ako ni Sir Jonathan," ani Ken.

Para kay Ken, ang awitin ay nagpapakita na mas mabuting sabihin ang pinagdadaanan sa mga taong minamahal.

"It's all about telling other people na it's fine to express your feelings or huwag mong itago sa sarili mo kasi sasabog at sasabog 'yon. And it's fine na kung may mga taong nagmamahal sa iyo ay doon mo sabihin or doon mo i-express," dagdag ni Ken.

Nito lamang Enero nang ilabas ni Ken ang "It's Okay Not To Be Okay" na may Tagalog at English lyrics.

Nakilala si Ken sa kanyang awiting "Ako Naman Muna" na may kinalaman din sa mental health.

Related video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT