Joj Agpangan, naiyak nang maalala nang ma-comatose ang kambal na si Jai
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Joj Agpangan, naiyak nang maalala nang ma-comatose ang kambal na si Jai
ABS-CBN News
Published Feb 16, 2021 03:56 PM PHT

MAYNILA -- Bumuhos ang luha ng kambal na sina Jai at Joj Agpangan, dating "Pinoy Big Brother" housemates, sa "Magandang Buhay" nitong Martes matapos nilang balikan ang pagsubok na hinarap ng kanilang pamilya nitong nakaraang Pasko.

Sa pang-umagang programa, ikinuwento ni Joj ang pamamaga ng tainga, pagsusuka at pagkawala ng malay ng kanyang kapatid.

Ayon kay Joj, Disyembre 24 nang isugod niya sa ospital si Jai na wala ng malay at nagising lang ito noong Disyembre 27.

Hindi na napigilan ng kambal ang maiyak nang matanong si Joj kung ano ang naramdaman at panalangin niya noong oras na comatose ang kanyang kapatid na si Jai.

"Nagpi-pray na kami ng mom ko, December 24, noche buena, dalawa kami ng mommy ko umiiyak sa ospital kasi nga bawal magpapasok ng marami dahil sa pandemic din. Mali-mali pa ang tusok sa kanya. Nakita ko talaga na helpless siya, wala siyang magawa, so parang naawa lang ako sa kanya. Sabi ko, 'Lord, sana ma-minus-an lang kahit konti 'yung nararamdaman niyang sakit kasi wala siyang magagawa for now.' Tapos pray lang talaga kami ng pray," ani Joj.

Ayon kay Jai, labis ang pasasalamat niya sa kanilang pamilya na nagsilbing lakas niya.

"Super thankful po talaga ako sa family kasi naging strength ko sila kasi naging sensitive ako, konti lang. Everyday umiiyak ako kasi na lumbar tap ako, masakit. So parang every morning nakikita nila na umiiyak, hina-hug lang nila ako, pinagpi-pray," ani Jai.

Dagdag ni Jai, mas pinatatag at naging mas malapit ang kanilang pamilya dahil sa nangyari sa kanya. "Looking back lang parang we just want to appreciate na lang everything," ani Jai.

Sa ngayon, magaling na si Jai at nasa Bacolod kasama ang kanyang kambal at kanilang pamilya.
Sa pamamagitan ng vlog na inilabas nitong Enero, unang ibinahagi ni Jai ang pagsubok na pinagdaanan.

Narito ang "Magandang Buhay" tampok ang nakakaantig na kuwento ng kambal na sina Jai at Joj Agpangan.

Related videos:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT