Payo ni Ivana Alawi sa fans na may GF: 'Wag niyo na i-save photos ko'

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 08:40 PM

MAYNILA — Tinatawag ngayong bagong "pantasya ng bayan" ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

How tall are you? Me: With heels or without? 🤪

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi) on

Kamakailan ay pumirma ito ng exclusive contract sa ABS-CBN, kung saan nakatakda siyang bumida sa ilang proyekto para sa Kapamilya network. Isa na dito ang seryeng pangungunahan niya na may pamagat na "Ligaya."

"I want to show also my acting side. There’s more than ‘yong sexiness, image, ‘yong pagpapakita ko ng skin, ‘yong pagiging hubadera ko," aniya.

Pero hindi pa man siya masyadong lumalabas sa telebisyon, marami na ang nabibighani sa angking ganda at personalidad ni Alawi.

Sa social media ay namamayagpag si Alawa, partikular na sa Instagram kung saan siya madalas mag-upload ng mga nakaaakit na retrato.

Kuwento ni Alawi, maraming nobya ang umaaway sa kaniya at madalas pa siyang sinisisi sa hiwalayan ng mga ito. 

"They were like 'nag-break kami dahil sa 'yo' kasi 'yung jowa daw nila were saving my photos," aniya. 

Kaya para hindi na siya maging ugat ng mga hiwalayan, may payo si Alawi sa mga kalalakihang may nobya pero nahuhumaling pa rin sa kaniya.

"Sabi ko guys 'wag na kayo mag-save ng photos ko para hindi kayo mag-break," ani Alawi. 

— Mula sa ulat ni MJ, Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.