Mga artista sanib-puwersa sa panawagang franchise renewal para sa ABS-CBN | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga artista sanib-puwersa sa panawagang franchise renewal para sa ABS-CBN

ABS-CBN News
Published Feb 12, 2020 06:42 PM PHT
|
Updated Feb 12, 2020 08:09 PM PHT

MAYNILA — Isa-isa nang nagpapakita ng suporta at paninindigan ang mga samahan ng artista at celebrities sa loob at labas ng bakod ng Kapamilya network para isulong ang renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Emosyonal ang "king of talk" na si Boy Abunda sa kaniyang programa noong Lunes nang magbigay ng sentimyento sa paghain ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General laban sa ABS-CBN.

"I've worked here for 20... I know this is not legal, this is very personal para sa aking ina. Kapag nakikita niya ang ABS-CBN alam niyang safe ako, nandiyan ako, nagtatrabaho ako at uuwi ako sa kaniya," ani Abunda.

Sa social media, buhos ang sentimyento ng ilan pang Kapamilya stars gaya nina Vice Ganda, Jodi Sta. Maria, Martin Nievera, at mag-asawang Ogie at Regine Velasquez-Alcasid.

Anila, mawawala ang karapatan at kalayaan ng mamamayan sa balita, access to information, at entertainment kung ipasasara ang ABS-CBN.

Para kay Coco Martin, napatunayan na ng ABS-CBN ang pagiging "in the service of the Filipino" nito sa ano mang pagsubok na dumating sa bansa.

Dahil sa programang "FPJ's Ang Probinsyano," nakapaghatid si Martin ng saya at tulong sa mga Pilipino sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Hiling niya na maliwanagan ang isip ng mga taong nagnanais na ipasara ang istasyon, na tumutulong nang malaki sa maraming buhay.

Hinikayat naman nina Angel Locsin at Dimples Romana ang lahat na ipanalangin ang ABS-CBN para protektahan ang mga trabaho, kalayaan ng pamamahayag, hustisya, at kapakanan ng mga Pilipino.

Pati ang ilang celebrities ng GMA-7, gaya nina Eugene Domingo, Aiko Melendez, at Dingdong Dantes, nagpahayag ng suporta sa renewal ng franchise ng Kapamilya network.

Naglabas din ng official statement ang the Philippine Movie Press Club (PMPC) tungkol sa renewal of franchise ng Kapamilya network. Kinalampag nila ang Kongreso na talakayin na ang mga panukala para sa prangkisa ng ABS-CBN. —Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News