Sephy Francisco, ibinahagi ang karanasan sa 'I Can See Your Voice' Korea | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sephy Francisco, ibinahagi ang karanasan sa 'I Can See Your Voice' Korea

ABS-CBN News
Published Feb 12, 2018 02:49 PM PHT
|
Updated Sep 09, 2018 10:25 PM PHT

MANILA -- Inalala ni Sephy Francisco ang kanyang naging karanasan nang sumabak siya sa "I Can See Your Voice" sa Korea, kung saan napahanga niya ang mga manonood.

"Sobrang overwhelmed, kasi nire-represent mo 'yung Philippines. Nakakakaba po at the same time ay masaya po," ani Sephy sa "Umagang Kay Ganda" nitong Lunes.

Sa "I Can See Your Voice" Korea, pinahanga ni Sephy ang mga manonood sa kanyang pag-awit ng "The Prayer."

"Actually po, 'yun nga gusto nilang marinig, 'yung dual voice ko na panlalaki at pambabae, na-eliminate ako noong lip-sync na. Pero ayaw talaga nila akong alisin dahil alam nila sa Philippines marami talagang singer pero dahil sa lip-sync performance ko ay na-eliminate tayo agad. Pero napahanga sila, napanganga 'yung mga Koreans. Nagsisi po sila," ani Sephy.

Matapos ang naging performance niya sa Korea, sinabi ni Sephy na nagbukas ang mas maraming oportunidad sa kanya.

Aniya, itutuloy niya ang pag-awit lalo't marami na ang mga kumukuha sa kanya.

"Actually marami na pong raket ang dumating sa mga wedding, birthday," ani Sephy.

Bago mapadpad sa Korea, naging parte rin si Sephy ng "I Can See Your Voice" Philippines.