'It's time': Ivana Alawi, handa na sa bagong pag-ibig

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2020 12:49 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi) on

MANILA -- Tila handa na sa bagong pag-ibig ang aktres na si Ivana Alawi.

Sa panayam ng ABS-CBN News matapos siyang pumirma ng kontrata sa Kapamilya network, sinabi ni Ivana na hanggang ngayon ay single pa rin siya.

"I've been single for a long time. Kaya I think it's time," ani Ivana.

Nang matanong kung ano ang hinahanap niya sa isang lalaki, sagot ni Ivana: "Someone who's going to love me for myself, 'yung hindi manloloko. Ayaw ko ng manloloko."

"Hindi naman ako naghahanap ng sobra-sobrang guwapo 'yung tama lang.... Gusto ko Pinoy," dagdag ni Ivana.

Nakatakdang gumawa si Ivana ng isang serye sa ABS-CBN.

"Sana umere kami by summer. 'Yung title might be 'Ligaya.' 'Yung concept is I think it's more of my character, being me. We are still going through the story but so far it's going to be a really good show," ani Ivana.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.