Ano nga ba ang kuwento sa likod ng 'Your Moment' champs Juan Gapang? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ano nga ba ang kuwento sa likod ng 'Your Moment' champs Juan Gapang?

ABS-CBN News
Published Feb 11, 2020 12:25 PM PHT

MAYNILA -- Pagsulong sa musikang Filipino ang kuwento sa likod ng pangalan ng Juan Gapang, ang singing act champeon ng "Your Moment."

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, ibinahagi ng bokalista ng grupo na si Kokoi Baldo kung ano nga ba ang ibig sabihin ng Juan Gapang at paano ito nabuo.

"Alam mo 'yung kuwento ng mga bata dati, 'Si Juan, si Pedro si Jose'? Naturingan si Juan na tamad pero 'yung Juan kasi is everyone 'yan, tayong lahat. Kumbaga ang pangalan na tumatak sa Pinoy kapag sinabing simpleng tao ay si Juan. Kaya parang ginagapang namin 'yung music na alam namin, kung paano kami tumubo. Kumbaga sinusulong namin," ani Kokoi.

Maliban kay Kokoi, kasama niya sa grupo sina Rusty (guitar), Gyem (guitar), Jonathan (drums) at TJ (bass).

ADVERTISEMENT
Kuwento ni Kokoi, nagsimulang mabuo ang Juan Gapang nang magkita ang mga miyembro nito sa isang gig sa Makati.

"Siguro na inspired ako na makita rin ang buhay nila, kung gaano ka-simple ang buhay nila na napagdaanan ko rin. Doon kami nag-start, nagkita-kita kami sa isang gig sa Makati. Noong una nag-usap kami ni Jon at TJ. Sabi ko, 'Jon, TJ, gawa kaya tayo ng banda. I-project natin or gawa tayo ng grupo natin sa tugtugan.' So 'yon, kinontak si Rusty si Gyem, so 'yun ang nangyari, nabuo ang Juan Gapang," kuwento ni Kokoi.

Matatandaang bago sumabak sa "Your Moment" naunang sumali si Kokoi sa "The Voice of the Philippines" kung saan pansamantala siyang tumigil sa pagkanta dahil sa mga pagbabagong dala ng biglaang pagsikat.

"Parang nakakalula nung time na 'yon. Siyempre nanggaling ka sa wala, at the same time sobrang simple ng buhay mo. Ika nga nila you came from nothing became something. So parang nakakalula siya, mahirap kasi. Parang mindset ko 'wag kang lilipad ng mataas kasi masakit kapag bumagsak. So parang naging mindset ko dati ay expect the worst. Never akong nag-expect o naghangad ng mataas dati. Parang sa sarili ko nakontento ako kung ano 'yung buhay ko dati na hindi ko alam, na lingid ko sa kaalaman ko na yung music dati ay gineup ko dahil sabi ko nga parang siguro hindi ako bagay sa music kasi mas maraming magaling, mas maraming mataas ang boses," ani Kokoi.

"Dahil naniniwala ako na ang music ang nagbubuklod sa ating lahat noong huli naintindihan ko na ganun pala, mas marami kang matutunan sa music at mai-inspire ka through music," dagdag ni Kokoi.