PBB: Thamara Alexandria, Andrei King unang evictees sa adult edition | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PBB: Thamara Alexandria, Andrei King unang evictees sa adult edition

Karl Cedrick Basco,
ABS-CBN News
Published Feb 05, 2022 08:48 PM PHT
|
Updated Feb 05, 2022 08:49 PM PHT

Tuluyan nang nagtapos ang kampanya nina Thamara Alexandria at Andrei King sa “Pinoy Big Brother” adult edition.

Nitong Sabado, namaalam ang dalawa matapos makakuha ng pinakamababang combined vote to save and evict scores. Sila ang unang evictees sa “PBB” sa kanilang edisyon.

Nakakuha lamang ng 9.36% na boto si Alexandria habang 18.69% naman ang naitala ni King, dahilan upang maalis sa Bahay ni Kuya.

Mananatili naman si Roque Coting matapos manguna sa botohan sa kaniyang 20.88% na boto.
Mananatili naman si Roque Coting matapos manguna sa botohan sa kaniyang 20.88% na boto.
ADVERTISEMENT
Bago lumabas ng “PBB” house, ipinaalala ni Big Brother kay Alexandria na naging isang kapatid at kaibigan ito sa kaniyang mga kasamahan.

“Naniniwala akong marami kang natutunan na bubuo sa 'yong pagkatao. Ipinakita mo na ikaw ay tumayo bilang isang kapatid, kaibigan, at ikaw ay naging sandalan ng iyong mga kasama,” ani Kuya.

Umaasa naman si Big Brother na ipagpapatuloy ni King ang kaniyang pagsusumikap kahit nakalabas na ito sa kompetisyon.

“Bilang isang dreamer, hindi maikakaila na ipinakita mo ang iyong determinasyon sa paghahabol ng iyong pangarap. Sa paglabas mo ng aking bahay, nawa'y dalhin at panatilihin mo ang iyong ipinakitang pagsisikap,” saad ni Kuya sa kilalang streamer.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.