JC Santos, Bela Padilla hinimok ang moviegoers na mag-face mask | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
JC Santos, Bela Padilla hinimok ang moviegoers na mag-face mask

ABS-CBN News
Published Feb 04, 2020 03:06 PM PHT
|
Updated Feb 04, 2020 08:25 PM PHT

Sa gitna ng mga pangamba sa novel coronavirus, inabisuhan nina JC Santos at Bela Padilla ang kanilang fans na maging maingat sa pagpunta sa mga matataong lugar, gaya ng mga sinehan.

Kasabay ng paghimok sa publiko na panoorin ang bago nilang pinagbibidahang pelikulang “Of Vodka, Beer, and Regrets,” hinikayat din nila Santos at Padilla ang mga manonood na magsuot ng face mask bilang pag-iingat.

“Sa panahon ngayon siyempre, stay safe and be alert. But also, don’t panic. Lahat ‘to malalagpasan natin,” ani Padilla sa panayam ng ABS-CBN News.

“Puwede na kayong mag-mask din sa sinehan, okay lang din naman,” dagdag naman ni Santos.
“Puwede na kayong mag-mask din sa sinehan, okay lang din naman,” dagdag naman ni Santos.
ADVERTISEMENT
Maging ang mga mall, na nag-operate sa mga sinehan, ay nagtakda na rin ng mga hakbang laban sa bagong uri ng coronavirus galing China. Kabilang dito ang mga libreng hand sanitizer para sa mallgoers at pagsusuot ng face mask ng mga guwardiya.

Ikinuwento rin ni Padilla na maging siya ay wala nang mabiling face mask sa harap ng nagkakaubusang supply dahil sa mga pangamba sa coronavirus.

“Nag-shooting ako sa Subic, walang [mabiling] face mask. Nag-shoot ako dito sa Manila, walang face mask. Kahit saan ako tumingin, medyo sold out siya,” ani Padilla.

Inihayag din ni Santos na hangad niya ang kalusugan para sa kaniyang pamilya, lalo at nakatakda nang isilang ang panganay niyang babae ngayong buwan.

Ipalalabas sa mga sinehan simula Pebrero 5 ang “Of Vodka, Beer, and Regrets,” ang pang-apat na proyektong tampok ang tambalan nina Santos at Padilla.-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
Of Vodka Beer and Regrets
pelikula
JC Santos
Bela Padilla
novel coronavirus
2019 nCoV
coronavirus
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT