Mula sa Kapamilya Online Live
MAYNILA – Bigo mang maiuwi ang jackpot na P1 milyon, panalo pa rin ng P70,000 ang songbayanan ng mga tricycle driver sa “Everybody, Sing!” nitong Sabado.
Kinapos ang 50 tricycle driver na mahulaan ang 10 kanta sa jackpot round sa loob ng nalikom na 58 segundo sa mga naunang round ng kompetisyon.
Pito lamang ang matagumpay na nakuha ng mga ito para makuha P70,000 na premyo.
Iilang grupo pa lamang ang nagwagi ng P1,000,000 sa 2nd season ng show tulad ng beauticians, bank employees, at gas station employees.
Mapapanood ang "Everybody, Sing!" tuwing Sabado at Linggo, 7 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC.
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.