PatrolPH

PBB: Adult housemates, bigo sa kanilang 3rd weekly task

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2022 02:42 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Nabigo ang adult housemates ng "Pinoy Big Brother: Kumunity" sa kanilang third weekly task.

Sa ika-100 araw ng "PBB," ibinigay ni Big Brother o Kuya ang hindi kagandahang balita sa kanyang mga housemate.

Matatandaang naging hamon ni Kuya sa housemates ay ang makakuha ng 10,000 replications ng kanilang ginawang video mula sa Kumunizens.

Sa nasabing "Pinoy Big Video Challenge," inatasan ang housemates na gumawa ng tatlong video challenges na siyang gagayahin ng Kumunizens at kailangan makakuha ito ng 10,000 Kumu clips gamit ang kanilang unique hashtags.

"Ikinalulungkot ko housemates, kayo ay nabigo sa inyong ikatlong weekly task," ani Kuya.

Ikinalungkot din ng mga leader na sina Zach Guerero at Thamara Alexandria ang resulta, lalo't ito ang unang weekly task na hindi nila napagtagumpayan. 

"Medyo nagi-guilty ako sa fellow housemates kasi si Thamara, kami ang leader at ito ang first time na hindi kami nanalo sa weekly task," ani Zach.

Watch more News on iWantTFC

Mapapanood ang "PBB" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC, mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

 Related video: 

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.