Momoland malapit nang maglabas ng bagong kanta

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2019 09:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

All-smiles ang K-pop girl group na Momoland nang dumating sa bansa noong Huwebes para sa kanilang nakatakdang fan meet sa Smart-Araneta Coliseum.

Ito na ang pangatlong beses nilang pumunta sa Pinas pero excited pa rin sila sa init ng pagtanggap ng Pinoy fans.

"One thing we really like about the Philippines is that how everybody smiles and seems like they recognize us Momoland. Everywhere we go they look at us and smile," ayon sa miyembrong si Jooe.

Noong isang buwan lang nang huling dumating ang grupo para sa isang exclusive fan meet pero ngayon ay mas pasabog daw ang kanilang gagawin sa Big Dome.

"We actually prepared a mini concert and we'll be showing you on stage things we've never done before so I think it's gonna be exciting," ayon naman kay Nancy, isa pang miyembro.

Ilan sa kanilang trending hits ang mga kantang "Bboom Bboom" at "Baam" pero malapit na raw silang mag-release ng bagong kanta.

"Yes! Actually very soon you'll expect something from us," rebelasyon ni Jooe.

—Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.