PatrolPH

KILALANIN: 2 bagong adult 'PBB' housemates

ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2022 04:00 PM

MAYNILA -- Ipinakilala nitong Martes ang dalawa pang adult housemates na aabangan sa "Pinoy Big Brother: Kumunity" season 10.

Nitong Martes ng gabi sa "Kumulitan," ipinakilala ng mga host ng "PBB" na sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee at Robi Domingo sina Andrei King at Roque Coting bilang mga opisyal na housemate na nakatakdang pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya.

Watch more News on iWantTFC

Si King ang hinirang na Male Kumunity winner sa naganap na Online Bahay ni Kuya campaign.

"Actually kinakabahan ako. Dati pangarap ko lang na makapasok sa bahay ni Kuya. Ngayon, super blessed ako kasi ibinigay ni God itong opportunity sa akin at ready na ako sa mga task ni Kuya," ani King.

Samantala, si Coting ang LGBTQIA+ Kumunity winner sa Online Bahay ni Kuya.

Watch more News on iWantTFC

"Magpapakatotoo ako sa sarili ko. Kung ano ako, ganoon din ako sa loob ng bahay ni Kuya. Mabait at palakaibigan sa loob ng bahay ni Kuya at sa labas man," ani Roque.

Ipinakilala sina King at Coting bilang mga opisyal na housemate, habang kinukumpleto nila ang kanilang quarantine bago sila tuluyang pumasok sa sikat na dilaw na bahay.

Makakasama nina King at Coting sa loob ng bahay ni Kuya ang mga housemates na sina Thamara Alexandria, Zach Guerrero, Seham Daghlas, Michael Ver Comaling, Laziz Rustamov, Gin Regidor, Aleck Inigo, Nathan Juane, Isabel Laohoo at Raf Juane.

Nitong Lunes ay ipinakilala ang magkapatid na sina Jaye and Basti Macaraan bilang opisyal ding mga housemate ni Kuya.

Mapapanood ang “PBB” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.