Nash Aguas, direktor na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nash Aguas, direktor na
Nash Aguas, direktor na
Jeff Fernando,
ABS-CBN News
Published Jan 19, 2018 01:22 PM PHT

MANILA -- Bagong career bilang isang direktor ang sinimulan ngayong 2018 ni Nash Aguas sa ABS-CBN Mobile show na "Coffee Break" na nagsimula nang mapanood ngayong Enero.

Kuwento ni Nash, nabuo ang kanilang original concept sa kakatambay nila sa isang coffee shop, gaya ng ibang kabataan ngayon.

"Tungkol po ito sa kuwento ng magbabarkada at sa buhay pag-ibig nila na naka-base sa iniinom nilang kape. For example, di nila alam kaya paborito nila ang three-in-one coffee kasi sa relasyon nila, tatlo pala sila," ani Nash.

Dagdag pa ni Nash, naging training ground niya bilang direktor ang teleseryeng "The Good Son" kung saan isa siya sa mga bida.
"Hindi nila ako pinigilan na minsan mag-technical director ako sa kanila. Pitik-pitik, 'yung mga ganyan. Pinapatambay nila ako sa systems," ani Nash.

ADVERTISEMENT
At bilang aktor na gumaganap sa papel bilang Calvin Buenavidez sa "The Good Son" na nag-trending sa husay sa mga eksena, di akalain ni Nash na mapapansin ang kanyang pagganap.

"Pinaghirapan po namin lahat 'yun eh. Tapos ako ang tagal kong pinag-aralan 'yung character, so nakakatuwa na naibabalik kung ano 'yung pinaghirapan ko, na-appreciate lahat ng mga tao," ani Nash.

Walang plano si Nash na iwan ang pag-arte kahit nagsisimula na ang kanyang career bilang direktor.