Pokwang at nobyo, ibinahagi ang hiling para sa kanilang anak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pokwang at nobyo, ibinahagi ang hiling para sa kanilang anak

Pokwang at nobyo, ibinahagi ang hiling para sa kanilang anak

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 17, 2019 01:46 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Ibinahagi ni Pokwang at nobyo nitong si Lee O'Brian ang kanilang mensahe at hiling para sa anak nilang si Malia.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, isang early birthday surprise ang ibinigay para kay baby Malia na ipinanganak noong Enero 18, 2018.

Hiling ng aktres na makuha ng kanyang bunsong anak ang "kung ano ang naisin niya sa buhay" paglaki niya.

"Kung kaloob ng Diyos, sana ay matupad," ani Pokwang na unang ibinahagi na magandang edukasyon ang pangako niyang ibibigay kay baby Malia.

ADVERTISEMENT

Si Lee naman, nais ang isang "very happy life" para sa kanyang anak.

"Wish you a very happy life, sweetheart. Wish you all the success, happiness, and love. You will always be my sweetheart," hiling niya.

Ayon sa dalawa, ang kanilang anak ang "superhero" ng kanilang buhay ngayon.

"Kasi for 22 years ang buhay namin masaya naman. Ngayong may bagong baby sa bahay, mas lalong sumaya. Parang napakagaan lahat sa bahay, hindi ka na madaling mairita," ani Pokwang.

"Lahat tawang-tawa lang sa kanya. Lahat nag-uunahan na kargahin siya. Iba 'yung happiness na nadala niya sa bahay. And hindi lang sa amin, especially sa moms na kaedad ko na nangangarap na magkaanak pa, na wala pang baby," dagdag ng aktres.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.