Ejay Falcon makakasama ni Coco Martin sa ‘Batang Quiapo’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ejay Falcon makakasama ni Coco Martin sa ‘Batang Quiapo’

ABS-CBN News
Published Jan 14, 2023 08:43 PM PHT

MAYNILA – Matapos manalo sa halalan noong nakaraang taon, balik telebisyon ang “PBB” big winner na si Ejay Falcon.

Kinumpirma ni Falcon sa kaniyang social media account na mapapabilang siya sa nalalapit na serye na “Batang Quiapo” na pagbibidahan ni Coco Martin.

Ayon sa aktor, hindi niya pinalagpas ang pagkakataon na makabalik sa pag-arte lalo pa’t makakasama niya si Martin.

“Ang pag arte ay isang propesyon na masarap balikbalikan bilang pag lingon sa aking pinanggalingan. Kaya naman pag may bukas na oras ay di pwedeng pahindian ang alok na maging bahagi ng nalalapit na serye ng nag-iisang Coco Martin,” saad ni Falcon sa caption.

Nagbigay din siya nang kaunting aasahan sa magiging papel nito sa nasabing palabas.

“Maigsi ngunit espesyal na papel mula sa mahusay na produksyong inihahanda ng aking mga kapamilya sa ABS-CBN,” dagdag ng aktor.

Handog din niya ang kaniyang pagbabalik sa pag-arte sa mga fans na naghihintay na muli siya mapanood.

“Sa mga nakamiss sa akin sa telebisyon, ako ay may munting handog para po ito sa inyo at sa aking mga kababayan.”

Noong Mayo 2022, nanalo si Falcon bilang bagong bise gobernardor ng Oriental Mindoro.
Noong Mayo 2022, nanalo si Falcon bilang bagong bise gobernardor ng Oriental Mindoro.
ADVERTISEMENT
Si Falcon, 32, ay lumaki sa Pola, Oriental Mindoro.

Gumawa ng pangalan sa showbiz si Falcon nang maging big winner sa teen edition ng “Pinoy Big Brother” noong 2008.

Naging leading man ng iba't ibang serye ng ABS-CBN si Falcon tulad na lamang ng “Pasion de Amor” at “Dugong Buhay.”

Isa ring Philippine Air Force reservist si Falcon na nakumpleto ang training noong 2019.

KAUGNAY NA BALITA
KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT