Bakit tila ‘di napapagod sa trabaho si Coco Martin? | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakit tila ‘di napapagod sa trabaho si Coco Martin?

Bakit tila ‘di napapagod sa trabaho si Coco Martin?

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa vlog ni Isko Moreno
Mula sa vlog ni Isko Moreno

MAYNILA – Inakala ng maraming manonood na magpapahinga muna ang aktor na si Coco Martin sa pagtatrabaho matapos ang pitong taong pamamayagpag sa ere ng “Ang Probinsyano.”

Ngunit tuloy-tuloy pa pala ang pagrolyo ng kamera para kay Martin dahil matapos ang “Pasasalamat Tour” nito ay sumabak siya agad sa paggawa ng pelikula kasama si Jodi Sta. Maria para sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kasunod nito, inanunsyo na rin ng ABS-CBN ang muling pagbabalik-teleserye ni Martin dahil pagbibidahan nito ang palabas na “FPJ’s Batang Quiapo” na nagsimula nang kuhanan.

Sa vlog na inilabas ng dating akalde ng Maynila na si Isko Moreno, nakausap nito ang Kapamilya actor kung saan ibinahagi nitong natutunan niyang kumayod nang maigi dahil mahirap lamang sila noon.

ADVERTISEMENT

Para kay Martin, nais niyang tapusin ang karera sa showbiz na alam niyang wala siyang pinalagpas na pagkakataon.

“Alam naman natin na lahat ito matatapos. Para sa akin kasi, gusto ko 'pag wala na, tapos na lahat, masasabi ko sa sarili ko, balang araw pagtanda, 'Nung panahon ko, wala akong inaksayang panahon at oras',” ani Martin.

Kuwento pa niya, natuto siyang maging madiskarte sa buhay bata pa lamang siya nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang at tumira kasama ang kaniyang lola sa Novaliches.

“Kung hindi ko pinagdaanan lahat ng ‘yun, kung nagkaroon ako ng perfect family. Hindi ako ganito mag-isip at hindi ako ganito dumiskarte,” aniya. “Bata pa lang ako, medyo mulat na ako sa kalakaran sa kalye.”

Ibinahagi ni Martin ang maraming trabahong pinasok niya para lamang kumita noon, kabilang na rito ang pagtulong sa lending business ng kaniyang lola.

ADVERTISEMENT

Dahil namalagi kasama ang lola, lumaki si Martin, o Rodel Nacianceno sa totoong buhay, na relihiyoso, parte na rito ang pagpunta sa Quiapo upang magsimba.

Plano noon ni Martin na magtrabaho sa ibang bansa ngunit nakatanggap ito ng offer na gawin ang indie film na “Masahista” na isa sa mga naging daan para makilala sa indie circle.

Sa pagpasok sa paggawa ng pelikula, nakapunta ang aktor sa iba’t ibang mga bansa para sa mga Film Festival. Dahil dito, plinano ni Martin na samantalahin ang pagpunta abroad upang makahanap ng trabaho lalo na sa Canada.

“Ang target ko no’n, makahanap ako ng tao na magpapatira sa akin para makatalon ako [sa Canada],” pag-amin niya.

Nagawa naman nitong makarating sa Canada gamit ang tourist visa ngunit tila hindi para sa kaniya ang nasabing bansa dahil bigo ito makakuha ng working visa.

ADVERTISEMENT

Sa pagbabalik sa Pilipinas, nakakuha ng oportunidad si Martin na makapasok sa ABS-CBN series na “Ligaw na Bulaklak” bago tuluyang mapansin at maisama sa serye nina Kim Chiu at Gerald Anderson na “Tayong Dalawa.”

Dito nagtuloy-tuloy ang pag-arangkada ni Martin sa primetime TV at napabilang sa marami pang palabas kagaya ng “Minsan Lang Kita Iibigin” hanggang sa “Probinsyano.”

Makakasama ni Martin sa "Batang Quiapo" sina Lovi Poe at Charo Santos-Concio.

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.