Boom Labrusca, suportado ang anak sa kinaharap na kontrobersya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Boom Labrusca, suportado ang anak sa kinaharap na kontrobersya

Boom Labrusca, suportado ang anak sa kinaharap na kontrobersya

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Aminado ang ama ni Tony Labrusca na si Boom Labrusca na nasasaktan siya sa mga nababasang balita patungkol sa kanyang anak.

Kasunod ito ng naging kontrobersya na kinasangkutan ng binata habang nasa airport.

Sa naging panayam kay Boom ng entertainment portal na Push, hindi niya itinanggi na bilang ama nasaktan siya sa mga maling paratang sa kanyang anak.

"I'm not gonna say it's a controversy. Misunderstanding, I'd rather say it like that. Wala naman talaga 'yun, actually lumaki lang talaga dahil sa social media and kumbaga napatungan na ng mga kung ano-anong salita. Hindi naman talaga siya ganun kalaki; napalaki lang," tugon ni Boom.

ADVERTISEMENT

Aniya, nasasaktan din siya sa mga naglalabasan na negatibong mga balita.

"Siyempre, bilang tatay niya, sinuportahan ko siya. Masakit e kahit papano siyempre 'pag kung ano ano na 'yung nababasa mo, masasaktan ka bilang ama," aniya.

"Ganun pa man sabi ko sa kanya, ganun talaga ang buhay. Nabatikos ka ngayon, pero ang sabi ko sa kanya, hindi naman ganun kalaki ang kasalanan na nagawa mo, para ako man malungkot, para malungkot ka din. Sabi ko sa kanya, kahit papano, may natutunan ka na lesson 'di ba?," patuloy pa niya.

At bilang ama din, hindi din umano siya nagkukulang sa pagbibigay payo sa anak.

"'Yung 'pag tweet din, so sabi ko paminsan take a step back bago ka may gawing hakbang kasi, nakatingin sa 'yo lahat ng tao ngayon. Kahit naman na hindi siya na talagang nandoon na nandoon (sa itaas) pero kahit papano aminin man natin na gumawa siya ng ugong kahit papano," pahayag pa niya.

Sa huli, sinigurado ni Boom na nasa mabuting kalagayan ngayon ang kanyang anak.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.