Aljur, inamin na noon ay wala silang balak magpakasal ni Kylie | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Aljur, inamin na noon ay wala silang balak magpakasal ni Kylie

ABS-CBN News
Published Jan 08, 2019 02:24 PM PHT

MANILA -- Ibinahagi ng aktor na si Aljur Abrenica ang kasiyahan sa katatapos na kasal nila ni Kylie Padilla, anak ng aktor na si Robin Padilla.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, inamin ni Aljur na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa sayang dulot ng kanilang pagpapakasal.
Pag-amin ni Aljur, noong una ay hindi nila binalak ni Kylie ang magpakasal, pero aniya nabago ang lahat nang makahanap sila ng huwarang mag-asawa at mapaisip.

"Hanggang sa nakita ko 'yung mga wedding ritual. Sabi ko ang ganda nito, may basbas ng Diyos. Tapos magsasama-sama ang buong pamilya, magkakakilala sila. So nag-decide kaming magpakasal, so importante talaga ang kasal," ani Aljur.

Pag-amin ni Aljur, dalawang linggo lang ang naging paghahanda nila para sa kanilang kasal na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Aniya, itinuloy nila ang kanilang kasal kahit kapos sa oras para makasama ang ina at mga kapatid ni Kylie na nasa bansa noong mga panahong 'yon.

EMBED :
EMBED :
At matapos ang kanilang kasal, iginiit ni Aljur na sulit ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan sa kanilang relasyon.

"Masayang-masaya 'yung puso ko. Kasi simula nung nagkakilala kami ni Kylie nagbago lahat. 'Yung first time na nakita ko siya, 'yung pangarap ko nagbago rin, nasama na siya. Nadagdagan 'yung pangarap ko. So nag-ambisyon ako noon na siya na, nag-ambisyon na rin ako na magkaroon ng sariling pamilya. Looking back nga after ng kasal namin doon namin nakita na kaya pala namin pinagdaanan yon kasi dito kami dadalhin and it's all worth it, all worth it," ani Aljur.

At matapos ang mga hindi pagkakaunawaan noon, ibinahagi rin ni Aljur ang maayos na relasyon niya ngayon ni Robin Padilla.

Sa programa, ibinida ni Aljur ang pagiging mabuting ama sa kanya ni Robin.

"Si Papa Robin naman I respect him as a father, as a man, as an artist. Ngayon kasi hindi ko maintindihan ang pagkaiba ng father-in-law sa tatay. Ngayon parang tatay ko na rin siya. Ganun siya," ani Aljur.

"Ganun siya, nagte-text. Inaalam kung saan kami magha-honeymoon. Kung saan, para bigyan kami ng pocket money. Sabi ko 'wow.' Parang tatay talaga," dagdag ni Aljur.

Nang matanong kung ano ang huli nilang napag-usapan ni Robin, sagot ni Aljur: "Marami kaming napag-usapan pero 'yung huli puro pagpapasalamat lang. Nagpasalamat ako sa kanya, nagpasalamat din siya sa akin."