BINI, dumaan sa matinding training | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

BINI, dumaan sa matinding training

BINI, dumaan sa matinding training

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Nagpakilala at nagpakitang gilas ang walong miyembro ng pinakabagong P-pop (Pinoy pop) group na BINI.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, ibinahagi ng mga miyembro na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Sheena, at Jhoanna ang iba pa nilang talento maliban sa pag-awit at pagsayaw.

Bago maging parte ng BINI ay sumasali sa mga beauty pageant at pagmomodelo sina Aiah at Stacey. Kaya naman para sa "Magandang Buhay" ay ipinakita ng dalawa ang galing sa pagsabak sa Q&A.

Samantala, bago ang BINI ay naging parte ng isang dance group si Sheena. Isa rin siya dating housemate sa "Pinoy Big Brother."

ADVERTISEMENT

Tulad ni Sheena ay naging dating "PBB" housemate rin si Gwen, na ipinakita naman ang galing sa pag-awit.

At bilang mga dating housemate, nagbigay din ng payo sina Gwen at Sheena sa mga bagong housemate sa pinakabagong season ng "PBB."

Ipinakita naman ni Mikha ang talento sa chanting bilang cheerleader.

Mula naman sa pamilyang mahilig sa musika si Colet na marunong tumugtog ng gitara at piano.

Samantala, ipinakita naman ni Maloi ang galing sa pagtugtog ng ukulele.

Bago mailunsad bilang miyembro ng BINI ay lumabas naman si Jhoanna sa seryeng "Kadenang Ginto." Ipinakita ni Jhoanna ang galing sa pag-arte sa kunwaring sagutan nila ng isa sa mga host ng "Magandang Buhay" na si Melai Cantiveros.

Dalawang taon sumailalim sa pagsasanay sa ilalim ng Star Hunt Academy ang BINI bago sila ipinakilala sa publiko Nobyembre noong nakaraang taon.

Ayon kay Colet, dumaan sila sa matinding pagsasanay o training.

"Sobrang hirap po. Gumigising kami ng 7 a.m. One hour before po dapat gumigising na kami para mag-prepare ng kailangan naming gawin. Mag-start kami ng 8 p.m. ng dance until 12 noon. Lunch break namin. Tapos 1 to 4 p.m. vocals namin po. The rest of the time po ay self-practice po," ani Colet.

Para sa grupo, ipagpapatuloy nila ang dedikasyon sa kanilang ginagawa. Nagpasalamat din ang sila sa suporta ng kanilang mga tagahanga.

Narito ang "Magandang Buhay" tampok ang P-pop group na BINI.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv


Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.