PatrolPH

Mga kabaong, urn ginawang raffle prize sa Christmas party sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2022 12:32 AM

Watch more News on iWantTFC
Kuha ng Pador Funeral Parlor

Mga kabaong at urn ang pinamigay na raffle prize sa isang Christmas party kamakailan sa Las Piñas City.

Sa isang Facebook video ng Pador Funeral Parlor mula Aklan, kita na ilang miyembro at may-ari ng mga punerarya na parte ng Philippine Mortuary Association ang dumalo sa naturang party.

Nasa siyam na umanong kabaong at 20 na urn ang pinamigay sa mga dumalo. Grand prize umano ang mga kabaong, habang nagpamigay din ng appliances sa naturang party.

Hindi ordinariyo umanong kabaong ang mga napanalunan sa party dahil mula P44,000 hanggang P2 milyon daw ang halaga ng mga ito. - Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.