Tulay na puno ng 'hugot' lines patok sa Isabela | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tulay na puno ng 'hugot' lines patok sa Isabela

Tulay na puno ng 'hugot' lines patok sa Isabela

ABS-CBN News

Clipboard

Patok sa Barangay Naggasican sa Santiago, Isabela ang concrete fence ng tulay na may hugot lines. Screengrab


Agaw-pansin ang makukulay na concrete fence ng tulay sa Barangay Naggasican sa Santiago City, Isabela dahil sa mga iba't ibang "hugot lines" na nakapinta rito.

Samu't saring hugot ang sasalubong sa mga motorista--mula sa pagdidiyeta hanggang sa pagkasawi sa pag-ibig--na dadaan sa may tulay.

"Mas mabuti [nang] mahulog ka sa kanal kaysa sa taong hindi ka mahal," nakalagay sa isang bahagi ng tulay.

May iilan ding mga traffic sign sa tulay na tila may "dinadamdam" sa pagbababala sa publiko.

ADVERTISEMENT

"Tinamaan ka, tapos iniwan ka lang din naman," ayon sa sign na nagbababala sa hit and run.

Ayon naman sa isang sign kontra overspeeding: "Naging sobra kang mabilis, feeling ka lang pala. Awkward na tuloy ang friendship ninyo."

Ang tulay ay pambato ng Region 2 sa National Competition on Ecological Solid Waste Management.

Ayon kay Naggasican barangay chairman McRey Bautista, may permiso ang pagpapakulay ng tulay mula sa Department of Public Works and Highways.

Dagdag niya na bahagi ito ng pagpapaganda ng kanilang barangay.

-- Ulat ni Harris Julio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.