Larawan mula sa Chopstick Restaurant
Dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, naisipan ng isang restaurant sa Oroquieta City, Misamis Occidental na gumamit ng kabayo sa pag deliver ng mga food orders.
Ayon kay John Wilfred Hatague, manager ng Chopstick Restaurant, bumili siya ng kabayo sa halagang P16,000 para mas makatipid sa gastos sa food delivery.
Tinawag niya ang kabayo na si Happy. Ang kanyang pinsan ang na marunong mangabayo ang delivery rider.
Mas tipid umano sa gasolina, environment friendly at dagdag atraksyon ang horseback delivery ng kanilang restaurant.
Bawal ang magpatakbo ng mabilis para hindi masira ang dalang pagkain at pawang mga "dry food" orders lang ang tinatanggap nila for horseback delivery.
Ang horseback delivery ay pang malapitan lamang para hindi daling mapagod ang kabayo.
Ang kanilang restaurant ay matagal na sa Oroquieta City at isang family business.
Walang delivery charge sa horseback rider delivery sa kanilang restaurant.
—Ulat ni PJ dela Peña
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.