PANOORIN: Lolang may kambal na ahas umano | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Lolang may kambal na ahas umano

PANOORIN: Lolang may kambal na ahas umano

ABS-CBN News

Clipboard

Kilalang-kilala si Lola Conchita Encabo sa Macalelon, Quezon at sa mga karatig-bayan dahil sa kanyang panggagamot ng mga nakagat ng hayop, lalo na sa mga natuklaw ng ahas.

Ayon kay Kapitan Epitacio Ayangco ng Barangay Olongtao Ibaba, Macalelon, Quezon, nakita niya kung paano nabuhay pa rin ang isang residente na natuklaw ng ahas dahil sa tulong ni Aling Conching.

"Nakahulalo na, para nang patay. Pero nung dalhin nga kay Aling Conching at sinipsip niya yung kamandag ay nabuhay po. Kaya parang nagtataka sila na talagang may kapangyarihan o may bisa yung kaniyang panggagamot."

Hindi rin lingid sa mga taga-roon ang kuwentong nang ipanganak si Lola Conching noong Abril 1915 sa isang liblib na lugar sa Dolores, Eastern Samar, ay mayroon siya umanong kakambal na ahas.

ADVERTISEMENT

"Pag labas daw na ganun, meron din daw inunan, kulay puti daw nung lumabas yan na ahas, white snake siya. Ipinatatapon daw po yun nung ina. Ay, hindi naman itinapon nung lolo ko at sabi ay alagaan nyo swerte yan," kuwento ni Alicia, anak ni Lola Conching.

Ayon kay Lola Conching, noong ipinagbubuntis pa lang siya ng kaniyang ina, tuwang tuwa ito kapag nakakakita ng ahas.

"Pag nakakita ng maliit na ahas, makahuli, ilalagay sa maliit na garapon, kaya siguro siya nagkaanak ng ahas," aniya.

Nasa Grade 5 noon si Alicia nang umuwi sila ni Lola Conching sa Samar at personal niyang nakita ang kakambal na ahas ng kaniyang ina, na tinatawag nilang Wanda.

"May pangil siya, tapos yung dila niya ganiyan, sanga-sanga din. Yung mata niya ay maganda kulay gray kaya kahit tumingin sayo di naman totally matatakot ka talaga. Siya ay nahihipo, mabait siya sa kapwa," pag-alala ni Alicia.

Ngunit nang minsang magkaroon ng malakas na bagyo sa Dolores, Samar ay inanod si Wanda sa ilog na siya nitong ikinamatay.

Dala marahil ng kaniyang kakambal kaya umano malapit si Lola Conching sa mga ahas.

"Ang alam ko, nung araw, diyan may mga alaga siya sa paligid ng bahay kaya hindi mapasok basta-basta yung bahay niya, hindi manakawan," ani Ayangco.

Hanggang ngayon, ayon kay Lolo Timoteo Ortal, pangalawang asawa ni Lola Conching, may mga oras na binibisita sila ng isa o higit pang mga ahas.

"Patayin ko [pero] sabi niya, wag... Anak ng kakambal ko, mga apo ko na yan.'"

Ang kuwento ni Lola Conching, katotohanan, kathang-isip, o isa sa mga hiwaga sa mundong ating ginagalawan, ay mananatiling malaking palaisipan at walang kasagutan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.