KILALANIN: Ang babaeng may napakahabang pangalan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KILALANIN: Ang babaeng may napakahabang pangalan

KILALANIN: Ang babaeng may napakahabang pangalan

Madonna Timbal-Senajon,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 26, 2017 04:36 PM PHT

Clipboard

DAVAO CITY - Kilalanin si Tsianina Levounne Amberly Reese Heather Margaret Barcelona Mendoza.

Tubong Don Carlos, Bukidnon si Tsianina at nag-aaral ngayon sa Davao City.

Trending ngayon sa social media ang Senior High School student ng University of Mindanao matapos i-post ng isang guro ang kanyang school ID na nagpapatunay na siya ang may pinakamahabang pangalan sa kanilang paaralan.

Siya ay nag-iisang anak ng mag-asawang sina Rey Anthony Mendoza at Dzejla Austin Claire Mendoza.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Tsianina, ang ina niya ang nagbigay ng kanyang pangalan at ito ay may kahulugan. Ang Tsianina hango sa paboritong Hollywood Actress ng kanyang ina, ang Margaret hango sa pangalan ng isang Royal Princess, ang Reese mula sa paboritong chocolate ng kanyang ina at ang Levounne Amberly at Heather kinuha sa mga pangalan mula sa napanood na pelikula ng kanyang ina.

Noong maliit pa si Tsianina, aminado siyang nahirapan siyang magsulat dahil sa haba ng kanyang pangalan kaya tuwing mayroon silang pagsusulit ang huling pangalan niya na Margaret lang ang kanyang isinusulat.

Pero noong nasa high school na siya, ang Tsianina naman ang kanyang ginamit.

Ayon sa kanya, nasanay na rin sya sa kanyang pangalan at hindi niya inakalang ito pa ang magdadala sa kaniya ng kasikatan.

Umabot na sa mahigit 1,000 shares ang trending post.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.