Mga nitso sa sementery sa Davao de Oro, binutasan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga nitso sa sementery sa Davao de Oro, binutasan

ABS-CBN News
Published Oct 18, 2021 11:30 PM PHT

Ilang araw pa lang matapos inilibing ang pumanaw na ama ni Eduard Ellorin Jr. sa isang pampublikong sementeryo sa Maragusan, Davao de Oro, pero nagulat siya sa kanyang dinatnan.

Habang naglalagay ng tent para sa ika-siyam na araw na pagpanaw ng kanyang ama, napansin ni Eduard na may butas na ang nitso. May butas din ang 10 pang katabing nitso.

Ayon kay Eduard, wala naman daw nawalang gamit sa bangkay. Hindi niya rin alam kung ano ang pakay ng mga salarin.

Pero ayon sa mga netizens sa kanyang Facebook post, maaring "tuway-tuway" o knee cap ang target ng mga salarin na ginagawa umanong anting-anting.

Napansin din kasi ni Eduard na ang butas sa mga nitso ay nasa bandang paanan.

"Panawagan ko lang sa mga kamag-anak na bisitahin ang nitso ng kanilang mga mahal sa buhay," ani Eduard sa panayam ng ABS-CBN News.

Panawagan niya rin sa mga awtoridad na bantayang maigi ang sementeryo para maiwasan ang ganitong mga pangyayari.

Iniimbestigahan na ng Maragusan Municipal Police ang insidente.

- ulat ni Hernel Tocmo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT