Imahen ng Birhen Maria, ninakaw ang ulo

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2018 07:15 PM | Updated as of Oct 02 2018 08:15 PM

Pinaniniwalaang ninakaw ang ulo ang imahe ng Birheng Maria dahil may kuwento umano na mayroon itong ginto at antique na rin. Larawan mula sa isang Bayan Patroller

MOISES PADILLA, Negros Occidental – Wala nang ulo nang madiskubre nitong Lunes ang isang imahe ng Birhen Maria na nasa labas ng kapilya ng isang hacienda sa Barangay Inolingan sa nasabing bayan.

Sa retrato na ipinadala ng isang Bayan Patroller, makikita na wala na ang ulo ng imahe.

Ayun sa pulisya, may mga kuwento sa bayan na may ginto umano sa ulo ng imahe at antique rin daw ito. 

Wala pang makuhang saksi ang awtoridad habang patuloy silang nagiimbestiga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.