Fake lashes, lipstick: Mga manok, nagpasiklaban sa Iloilo

Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2019 11:21 PM | Updated as of Sep 02 2019 11:59 PM

CABATUAN, Iloilo - Agaw-pansin sa bayan ng Cabatuan, Iloilo ang pitong pares ng manok sa ginanap na Dress-up Chicken Contest nitong weekend.

Kilala ang bayan ng Cabatuan sa kanilang tinuom o paraan ng pagluto ng native na manok, at ang Dress-up Chicken Contest ay bahagi ng kanilang pagdiriwang ng Tinuom Festival.

Ang mga tandang, sinusuotan ng makukulay na damit at nakapantalon habang ang mga inahin naman may eyelash extension, naka-lipstick, at may nail polish pa.

Sinuotan ng iba't ibang costume ang mga manok na kalahok sa Dress-up Chicken Contest sa Cabatuan, Iloilo. Photos courtesy of Franz Gonzaga, OIC Municipal Agriculturist ng Cabatuan, Iloilo

Iba-iba ang breed ng mga manok na na kasali sa kompetisyon na ang layunin ay isulong ang industriya ng pag-aalaga ng manok sa bayan.

Ayon sa municipal agriculturist na si Franz Gonzaga, ipinapakita rin sa sa kompetisyon kung paano inalagaan ng mga may-ari ang kanilang mga manok.

“Kompetisyon gid mayad nga pagsagod, pag present, gindugangan na lang artistry. Ginpabayuan para daw artistic man ang mga contestants," aniya.

(Kompetisyon ito ng pagalingan sa pag-alaga, pag-prisinta. Dinagdagan na lang ng artistry. Pinasuotan ng damit para maipakita ang pagka-artistic ng mga kalahok.)

Halagang P3,000 ang napanalunan ng first place, P2,000 naman sa second place, at P1,000 sa third place. Mayroon ring P500 na consolation prize.

Umabot na sa 6,000 ang manok sa bayan, base sa pinakahuling imbentaryo.

Patuloy naman ang pagtulong ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno para sa bayan para mas mapalago pa ang industriya ng pag-aalaga ng manok.

Sa lugar na ito nanggagaling ang suplay ng manok na ginagamit ng ilang naglalakihang restaurant sa Iloilo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.