Dahil nakalimutan: Pustiso ng lolo napunta sa lalamunan matapos operahan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dahil nakalimutan: Pustiso ng lolo napunta sa lalamunan matapos operahan

ABS-CBN News
Published Aug 13, 2019 11:26 AM PHT
|
Updated Aug 13, 2019 11:44 AM PHT

Anim na beses nagpabalik-balik sa ospital sa United Kingdom ang isang 72 anyos na lalaki nang sumabit ang kaniyang pustiso sa kaniyang lalamunan, ilang araw matapos operahan sa tiyan.

Ayon sa ulat ng BMJ Case Reports, inoperahan ang retiradong electrician na si alyas "Jack” para sa bukol sa kaniyang tiyan.

Pero isinugod muli ang lolo sa ospital 6 na araw matapos operahan nang mahirapang kumain, makahinga at makaramdam ng pagdudugo sa ngipin.

Inakala lang noon ng mga doktor na dahil ito sa mga dati niyang sakit sa baga kaya binigyan lang siya ng mouthwash at antibiotics.

ADVERTISEMENT
Pero matapos ang dalawang araw, lumala pa umano ang sakit ni Jack at hindi niya malunok ang kaniyang mga gamot.

"He was also feeling short of breath, particularly when lying down, and had taken to sleeping upright," ayon kay Harriet Cunniffe, ear, nose at throat surgeon ng Universities Hospitals NHS sa Yarmouth.

(Nahihirapan din siyang huminga, partikular na kapag nakahiga. Napilitan pa siyang matulog nang nakaupo.)

Inakala din ng mga doktor na may pneumonia ang pasyente, na maaaring sanhi aniya ng pagpasok ng pagkain o stomach acid sa baga ng pasyente.

Nang isailalim sa nasendoscopy o isang medical test sa ilong at lalamunan ang pasyente, dito nang natuklasang may mala-bilog na bagay na tumatakip sa kaniyang vocal cords.

Nang ipaliwanag ito sa pasyente, doon na sinabi si Jack na nawala ang kaniyang pustiso matapos siyang operahan.

Tinanggal ang pustiso at dinischarge na si Jack. Pero nagpabalik-balik pa sa ospital ang pasyente nang magdugo at makaramdam ng torn artery – dahilan para isailalim pa ito sa blood transfusion at muling operahan para masara ang dumudugong ugat.

Dahil sa nangyari, nagpaalala ang doktor sa mga pasyente na huwag kalimutang alisin ang kanilang pustiso bago maoperahan.

--May ulat ng Agence France-Presse
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT