Sekyu ng art gallery kinasuhan sa pag-drawing ng mata sa painting | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sekyu ng art gallery kinasuhan sa pag-drawing ng mata sa painting

ABS-CBN News
Published Feb 11, 2022 04:09 PM PHT

Kinasuhan ang isang security guard ng art gallery sa Russia matapos mag-drawing ng mata sa isang abstract painting gamit ang ballpen.

Nakadisplay sa Yeltsin Centre sa Yekaterinburg ang obrang "Three Figures" ni Anna Leporskaya, na estudyante ng artist na si Kazimir Malevich, noong Disyembre nang mapansing may mga drawing ng mata ang ilan sa mga figure nito.

Naka-insure nang 75 rubles o katumbas ng $1 milyong US dollars (P50 milyon) ang obra na taong 1930 nilikha.

Gawa umano ito ng empleyado ng private security company na kinontrata ng pasilidad, sabi ng acting director ng Yeltsin Centre na si Alexander Drozdov sa isang meeting.

Agad namang sinabihan ang insurance company at ang pinuno ng Tretyakov Gallery sa Moscow na nag-loan ng obra sa pasilidad.

Ibinalik na sa Moscow ang obra at nai-restore na ito.

Unang araw ng guard sa trabaho nang mangyari ang insidente. Hindi pa matukoy ang motibo ng security guard.

Unang pinabulaanan naman ng Yeltsin Center na sangkot dito ang mga empleyado nila.

Ini-report nila ang insidente noong Disyembre pero ayaw umanong imbestigahan ito ng pulis dahil "maliit" lang anila ang $3,300 na danyos nito.

Pero nang maghain ng reklamo ang culture ministry ng Russia, naglunsad ng "vandalism" case ang pulisya.

Mahaharap sa multa o kaya 3 buwang pagkakakulong ang security guard.

-- Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT