Mga tindahan ng paputok at pailaw sa Antipolo City, bukas na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga tindahan ng paputok at pailaw sa Antipolo City, bukas na

Mga tindahan ng paputok at pailaw sa Antipolo City, bukas na

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Sa mga nagbabalak na mamili ng mga paputok at pailaw ngunit gustong makaiwas sa masikip na trapiko patungong Bocaue, Bulacan, bukas na rin ang mga tindahan ng paputok at pailaw sa Marcos Highway bahagi ng Barangay Mayamot, Antipolo City.

Nasa 15 malalaking stall ng paputok at pailaw ang nakahilera sa gilid ng highway. Ayon sa mga nagbebenta, marami rin ang pagpipilian sa kanilang mga produkto tulad sa Bocaue.

"Kung pupunta pa po sila ng malayo eh dito na lang. Sa mga gustong mamili diyan, dito na lang kayo pumunta,ā€ ayon sa tindera ng paputok na si Angie Velasco.

Ayon naman sa iba pang nagtitinda, mas mahal ng kaunti ang kanilang mga produkto ngunit makatitipid naman sa pagod sa pagbiyahe o pagpapagasolina. Ikinatuwa ni Allen Dave Aguanta, na mula Antipolo City, na may malapit na bilihan ng paputok at pailaw sa kanilang lugar.

ADVERTISEMENT

"Mas malapit po kasi eh saka mas hassle po sa biyahe kapag lalayo pa,ā€ aniya.

"Mas quality po dito eh saka di na ako lalayo ng malayo pa,ā€ ayon naman sa isa pang bumili ng paputok na si Carlo Abella.

Makabibili ng isang balot ng 5 Star sa halagang P15. Nagsisimula naman ang presyo ng luces sa P100, P65 ang trompillo, habang nagsisimula ang presyo ng Judas Belt sa P150.

Umaasa ang vendor na si Maricel Andres na makababawi sila ng puhunan ngayong taon.

"Gusto namin yung malakas kagaya ng dati kaso ngayon mahina. Gusto namin bumalik yung dati na malakas ang benta,ā€ hiling niya.

"Inaasahan namin na sana makabenta kami ng marami kasi nung nakaraang taon medyo lugi kami e hindi mabenta ang paputok,ā€ dagdag ng isa pang vendor na si Sailanie Omar.

Mananatiling bukas ang mga tindahan ng paputok at pailaw sa Antipolo City 24 oras hanggang December 31.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like youā€™re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.