Pagkarga ng isang gas station employee sa isang motorista sa isang refueling station sa Quezon City, July 20, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
MAYNILA— Nasa P0.50 hanggang P0.70 kada litro ang inaasahang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na Martes, ayon sa mga taga-indusriya ngayong Sabado.
Inaasahang price hike sa produktong petrolyo:
- Gasolina - P0.50 - P0.70/litro
- Diesel - P0.50 - P0.60/litro
- Kerosene - P0.60 - P0.70/llitro
Ito ang ikalawang linggong na tataas ang presyo ng produktong petrolyo at ilang araw lang bago mag-pasko.
Pero magandang balita ang hatid ng Phoenix Petroleum, na ipagpapaliban ang pagtatas ng presyo sa mga lugar na apektado ng bagyong Odette.
PatrolPH, Tagaog News, oil price rollback, busina, petrolyo, diesel, gasolina, kerosene